Barangay Kagawad, patay matapos makuryente sa Simara

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dead on the spot ang isang barangay kagawad sa Barangay Ambulong bayan ng Corcuera, Romblon matapos makidlatan nitong tanghali ng Sabado.

Kinilala ni Romblon Police Provincial Office Spokeperson PSInp Ledilyn Ambonan ang biktima na si Kagawad Rosalie Falcunitin, 52 taong gulang.

Bandang 11:30 umano nang magpaalam ang biktima na maghahanap ng pagkain para sa kanyang mga kambing ngunit hindi umano ito umuwi hanggang sa maghanap na ang kanyang mga pamilya.

Nakita nilang nakahandusang ang walang buhay na katawan ng biktima at may paso sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Corcuera Municipal Police Station, lumalabas na nakuryente ang biktima matapos nilang makita ang isang disrupted power line ng NAPOCOR malapit sa katawan ni Falcunitin.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na ipa-autopsy pa ito.