Mga nagsisiuwian sa Simara ngayong bakasyon, dumarami na

Written by Neonilo Ferriol | Romblon News
  • Pinterest

Nagsisimula ng dumami ang mga nagsisiuwian sa bayan ng Corcuera sa Isla ng Simara para doon sulitin ang bakasyon.

Ilan sa mga nagsisiuwian ay mga dadalo sa Fiesta ng bayan ng Corcuera at ang iba naman ay dadalo sa Grand Alumni Homecoming ng Mabini National High School at Corcuera National High School.

Iniimbetahan naman ni Mayor Rachel Bañares ang mga gustong bumisita ng Corcuera na manood ng mga programa sa Corcuera Covered Court sa April 27 kung saan mag peperform ang iba't ibang banda galing Manila.