24-Hours Power Supply in Corcuera this 2018

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kinumpirma sa Philippine Information Agency ni Engr. Rene Fajilagutan, general manager ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) na sa 2018 ay magiging 24 hours na ang serbisyo ng kuryente sa island municipality ng Corcuera.

Sa ngayon umano ay nagpapatuloy ang pagsasaayos ng distribution lines sa buong isla bilang paghahanda sa 24 hours operation ng planta sa susunod na taon.

Ayon naman kay Corcuera Mayor Rachel Bañares, magsasagawa ng dry-run ng 24-Oras na serbisyon ng kuryente ang ROMELCO sa December 22 hanggang matapos ang taon 2017.

Panahon pa umano ni National Power Corporation President Gladys Sta Rita ay nailatag na ang planong 24-Oras na...

Read more: 24-Hours Power Supply in Corcuera this 2018

Mga atleta galing Simara, biyaheng Sibuyan na para sa Provincial Athletic Meet

Written by Neonilo Ferriol | Romblon News

Biyaheng Sibuyan Island na ang mga atleta ng Corcuera, Romblon para sa gaganaping Provincial Athletic Meet 2017 sa bayan ng Cajidiocan.

Sakay ang mga atleta kasama ang kanilang mga coaches ng pampasaherong bangka na maglalayag ng halos 6 na oras patungong Sibuyan Island.

Ayon kay Mr. Ragie Mazo, head coach ng nasabing delagado, aabot sa mahigit kumulang 130 na atleta ang kanilang dala para sa nasabing palaro.

Pinilit ng mga manglalakbay na bumiyahe patunong Sibuyan sa kabila ng masamang panahong nararanasan ngayong araw sa lalawigan ng Romblon.

Gaganapin ang Provincial Athletic Meet ngayong December 10 hanggang December 16.

...

Giant Christmas Tree sa Corcuera, may temang White Christmas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of DB Fojas FalcesoPhoto Courtesy of DB Fojas Falceso

White Christmas ang tema ngayong taon ng Giant Christmas Tree sa bayan Corcuera sa Simara Island, Romblon na pinailawan na ngayong unang gabi ng Disyembre.

Matatagpuan ang Giant Christmas Tree na pinuno ng mga kulay puting ilaw, sa gitna ng kanilang public ground na nasa harap lamang ng Municipal Hall ng bayan ng Corcuera. Nagkalat rin ang mga kulay puting parol paikot ng Giant Christmas Tree.

Damang-dama naman ng mga residente ng Corcuera na sumaksi sa pagpapailaw ng Giant Christmas Tree dahil sa awiting mga pampasko na pinapatugtog ng malalakas na speaker.

Todo selfie naman ang ilang mga kabataan at mga...

Read more: Giant Christmas Tree sa Corcuera, may temang White Christmas

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa liblib na lugar sa Corcuera

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng isang residente sa Sitio Punta, Barangay Alegria, bayan ng Corcuera, Romblon kaninang madaling araw.

Ayon kay Romblon Police Provincial Office Spokeperson Sr. Inspector Ledilyn Ambonan, nakatanggap ng tawag ang Corcuera Municipal Police Station galing sa Barangay Alegria nitong madaling araw ng December 01 na di umanoy may natagpuang bangkay ng lalaki sa nabanggit na lugar.

Kinilala ang bangkay na si Rico Fajiculay Famfo, 53 years old, at residente ng Barangay Iligan.

Ayon sa police report, si Famfo di umano'y may sakit sa pag-iisip at mahilig umanong mamasyal sa iba't ibang pasyalan sa isla.

Sa inisyal...

Read more: Bangkay ng lalaki, natagpuan sa liblib na lugar sa Corcuera