Babera at Dela Cruz, ipagpaptuloy ang sinimulan ni Fabella sa Calatrava

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 14 October 2015

Opisyal na ring naghain ngayong araw ng kandidatura ang tatakbong Mayor ng Calatrava na si Marieta Babera at ang kanyang Vice Mayor na si Cyril Dela Cruz kasama ang mga tatakbong sanguniang panlalawigan memebers sa ilalim ng BuLongTik Coalition sina Alan Famini, Merlito Sixon, Radie Fampulme, Wilfredo Famorcan, Dishan Servanes, Darwin Fetalcurin, at Vonn Chritian Fruelda.

Tatakbo rin sa pagka sanguniang bayan member sa ilalim ng nasabing grupo ang dating Mayor ng Calatrava na si Elmer Fortu.

Ayon kay kasalukuyang SB Member na si Cyril Dela Cruz, tatakbo umano sila dahil sa magandang pamamahala na ipinakita ni Mayor Bong Fabella na ngayon ay inaming tatakbo sa pagka-Kongresista ng lalawigan.

"Incumbent halos kami lahat, then gusto namin ipagpatuloy ang nasimulan ni Mayor Bong." pahayag ni SB Member Cyril Dela Cruz sa Romblon News.

Ayon nman sa Election Officer ng COMELEC Calatrava, wala pang ibang nagpa-file ng kanilang kandidatura sa pagka-Mayor at Vice Mayor as of October 14.