No-sail policy implemented in Calatrava due to #UrdujaPH

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naglabas ngayon araw ng 'No-Sail' policy ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Calatrava, Romblon bilang paghahanda sa inaasahang pagdaan ng bagyong Urduja sa probinsya ng Romblon.

Inatasan ng MDRRMO ang mga PNP Personnel, BFP Personnel at mga Barangay Captains sa nasabing munisipyo na bantayan ang mga fishing vessels, passenger vessels, at mga privately owned sea crafts na susubuk pumalaot.

Layunin umano ng MDRRMO ang zero casualty sa pagtama ng nasabing bagyo.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyong Urduja ngayong 10AM ng December 10 sa layong 405km East ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas na 55kph malapit sa gitna ay may bugsong hangin na aabot sa 65kph. Tinatakahak nito ang North Northwest direction sa bilis na 7 kph.

Wala pang nakataas na Tropical Cyclone Warning Signal sa Pilipinas.