Kalsada sa Calatrava, Romblon na tinamaan ng landslide, pwede ng daanan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Passable na ang kalsada sa bahagi ng National Road sa Barangay San Roque, Calatrava, Romblon matapos malinis ang mga nakaharang na puno at lupa sanhi ng landslide, ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Calatrava.

Ang nasabing daanan ang nagkokonekta ng Calatrava at San Agustin sa bayan ng San Andres at Odiongan.

Bandang alas-10 kagabi ng isara ang kalsada dahil sa landslide dulot ng walang tigil na ulan sa lugar simula pa umaga ng Sabado.

Wala namang nasaktan sa nasabing landslide.