Dalawang NGO, nag-iikot sa Tablas para mamigay ng Libreng Eye Glasses sa mga Estudyante

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Nag-iikot ngayon sa Tablas Island, Romblon ang dalawang Non-Government Organization (NGO) para magsagawa ng test sa mga mata ng mga Elementary at High School students sa isla at mamimigay ng libreng mga salamin sa mata.

Ang Sight for Kids Program ay handog ng Quezon City Platinum Lions Club at Kabankalan Lions Clup sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Romblon.

Nagsasagawa sila ng libreng eye screening at check-up sa mga mata ng mga estudyante ng mga bayan ng Odiongan, Ferrol, San Andres, Calatrava, San Agustin, Sta. Maria, Alcantara, Looc at Santa Fe.

Ngayong Miyerkules, nasa bayan sila ng Calatrava at San Agustin; bukas, Huwebes, nasa bayan sila ng Sta. Maria, at Alcantara; habang sa Biyernes, nasa bayan sila ng Looc at Santa Fe.

Ayon sa organizers ng event, sa Oktubre babalik ang grupo para mag-award ng mga salamin sa lahat ng kinakailangang pagsuotin nito.