Bagong Calatrava Municipal Police Station, pinasinayaan na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Pinasinayaan ngayong araw sa bayan ng Calatrava ang bagong tayong Calatrava Municipal Police Station na matatagpuan sa Barangay San Roque.

Present sa pagpapasinaya si Police Regional Director Wilben Mayor ng Police Regional Office MIMAROPA, Police Regional Director Leo Quevedo, Calatrava Mayor Marieta Babera, Provincial Advisory Council Member Nelson Lim, at ilan pang mga matataas na opisyal ng kapulisan sa Romblon at ng LGU Calatrava.

Sa mensahe ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, Chief of Police ng Calatrava MPS, nagpasalamat ito sa lahat ng tumulong upang matayo ang standard police station para sa mga residente ng kanyang nasasakupang bayan.

Nagpasalamat rin ito sa magandang police-commnity partnership na meron sa kanyang bayan.

Sa mensahe naman ni Police Regional Director Wilben Mayor ng Police Regional Office MIMAROPA, sinabi nitong masaya siya at pangarap niyang unang paglingkuran ang mga Romblomanon.

Sinabi rin nito na ang Romblon PNP sana ang mga ilaw ng iba pang PNP Organization sa buong bansa.

Plano rin niyang makapagtayo ng mga standard police station sa bawat munisipyo sa Romblon para makapagbigay ng full support sa mga nasasakupan ng mga municipal police stations.