Bagong Calatrava Municipal Police Station, pinasinayaan na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Pinasinayaan ngayong araw sa bayan ng Calatrava ang bagong tayong Calatrava Municipal Police Station na matatagpuan sa Barangay San Roque.

Present sa pagpapasinaya si Police Regional Director Wilben Mayor ng Police Regional Office MIMAROPA, Police Regional Director Leo Quevedo, Calatrava Mayor Marieta Babera, Provincial Advisory Council Member Nelson Lim, at ilan pang mga matataas na opisyal ng kapulisan sa Romblon at ng LGU Calatrava.

Sa mensahe ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, Chief of Police ng Calatrava MPS, nagpasalamat ito sa lahat ng tumulong upang matayo ang standard police station para sa mga residente ng kanyang nasasakupang bayan.

Nagpasalamat rin...

Read more: Bagong Calatrava Municipal Police Station, pinasinayaan na

Calatrava declared as the first 'drug-cleared' Municipality in Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

 Ang munisipalidad ng Calatrava na sa pamumuno ni Mayor Mariet Babera ang kauna-unahang bayan sa lalawigan ng Romblon na na-declare ng gobyerno bilang 'drug-cleared' municipality.

Ayon sa Police Regional Office MIMAROPA, dumaan muna ang 7 Barangay ng Calatrava na binubuo ng Balogo, Linao, Poblacion, Pagsangahan, Pangulo, San Roque, at Talisay sa masusing evaluation na ginawa ng Regional Oversight Committee on Anti-Illegal Drugs bago ito ma declare na 'drug-cleared'.

Kasama rin na nag-validate sa mga barangay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units, at ilang stakeholders.

Maliban sa bayan ng Calatrava, dalawang bayan rin sa MIMAROPA...

Read more: Calatrava declared as the first 'drug-cleared' Municipality in Romblon

Meat processing, itinuro sa mga miyembro ng kooperatiba sa Calatrava, Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Nabigyang kaalaman sa pangkabuhayan ang 18 na mga miyembro ng ARYA Coconut Farmers Association MPC at The Lamb Shall Lead International sa “training on meat processing” na ginanap kamakailan sa Municipal Hall ng bayan ng Calatrava, Romblon.

Ang “training on meat processing” ay naglalayong makapagbigay ng mga pagsasanay sa mga kooperatiba ng magsasaka at magkaroon ng pagkakataong makapagsanay ng libre kaugnay sa mga bagong teknolohiya sa pagpoproseso, produksiyon at pagkakakitaan.

Ang libreng pagsasanay ay pinangunahan ng dalawang eksperto mula DOST-FNRI na sina Josefina T. Gonzales at Filipiniana B. Bragas sa pakikipagtulungan ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) – Romblon...

Read more: Meat processing, itinuro sa mga miyembro ng kooperatiba sa Calatrava, Romblon

Dalawang Most-wanted person ng Mansalay, Oriental Mindoro; arestado sa Calatrava

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Matapos ang 12 na araw na pagmonitor ng mga tauhan ng Provincial Intellegence Branch ng PNP sa lalawigan ng Romblon, Calatrava Municipal Police Station, San Andres Municipal Police Station, Mansalay Municipal Police Station, Highway Patrol Group-Romblon, at Provincial Public Safety Company; ay naaresto ang dalawang lalaki na most wanted person pala sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro nitong umaga ng Sabado.

Ayon sa kapulisan, naaeesto nila sa kabundukan sa Sitio Acasia, Brgy. Balogo, Calatrava, Romblon ang dalawang suspek na nagtatago sa lugar.

Kinilala ng kapulisan ang mga suspek na sina Ronie "Renebou" Delgado, 31 at Jerry Delgadao, 27 parehong magsasaka.

...
Read more: Dalawang Most-wanted person ng Mansalay, Oriental Mindoro; arestado sa Calatrava