Teenager went missing after crossing a river in Sibuyan Island

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 15 December 2015

Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Municipal Risk Reduction and Management Council ng bayan ng Cajidiocan ang isang dalagita na tinangay nang ilog habang nanalasa si Nona sa lalawigan pasado alas 12 ng tanghali kanina.

Nakilala ang dalagita na si April Joy Rio Ruba, 14 taong gulang, grade 7 ng Cajidiocan National High School at reisdente ng Sitio Ilaya, Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon.

Ayon sa spot report ng Cajidiocan Municipal Police Station, inutusan umano si April Joy ng kanyang ina na bumili ng pako (nail) ngunit habang papunta sa tindahan ay kinailangan niyang tumawid sa isang ilog kung saan siya tinangay.

Ayon naman kay Kagawad Pablo Rasa ng Barangay Cambijang, nakita niya umano ang dalagita na kumakaway ng kamay at humihingi ng tulong habang siya ay tinatangay ng ilog ngunit malakas talaga ang daloy ng ilog at kahit anong gawin nilang pag sagip ay nabibigo parin sila.

Patuloy ang isinasagawang Search and Rescue Operation ng mga barangay officials at ng ilang mangingisda upang magbakasakali na makita si April Joy.