Apat na nawawalang mangingisda, natagpuan na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nakauwi na ng Cajidiocan ang apat na mangingisdang naiulat na nawawala matapos pumalaot nitong Miyerkules ng umaga, January 10, patungong Burias Island, Masbate para mangisda.

Kinilala ang apat na sina Pablito Albono Mahusay, 32-years old; Sopronio Recto, 52-years old; Rodolfo Sanches, 51-years old; at Maxwell Moaña, 34-years old, pawang residente ng Barangay Taguilos, Cajidiocan, Romblon.

Sakay ang apat ng isang 16HP motorized bangka.