Cajidiocan to host Provincial Athletic Meet 2017

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE PHOTO. OLYMPICSFILE PHOTO. OLYMPICS

Bayan ng Cajidiocan, Romblon ang napili ng Department of Education - Romblon (DepEd-Romblon) na mag host ng Provincial Athletic Meet 2017 na balak ganapin sa December 10-16.

Inanunsyo ito sa ManCom Meeting sa Division Office ng Department of Education - Romblon sa bayan ng Romblon, Romblon ngayong umaga, ayon kay OIC-Schools Division Superintendent Roger Capa.

Hindi pa umano sigurado ang petsa pero iaanunsyo umano nila ito kapag may roon ng final decision.

Malugod naman itong tinanggap ng bayan ng Cajidiocan at pag-uusapan umano nila ang paghahanda na gagawin ng Cajidiocan.

Ayon naman kay Sangguniang Bayan Memebr Marvin Greggy Ramos, kanilang suhestiyon umano kung pwede na ilipat sa January 2018 ang target date ng event upang mapaghandaan umano nila ito.

Dalawang taon rin umano ang inantay ng Cajidiocan para makapag host ng nasabing event dahil noong mga nakaraang taon ay nagparaya umano sila para sa paghost ng ibang bayan katulad ng Odiongan noong 2016.