Mag-shota, arestado sa buy-bust operation sa Cajidiocan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Tiklo sa kamay ng awtoridad ang mag-shota sa Cajidiocan, Romblon matapos na mabilhan ng ipinagbabawal na gamot.

Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Romblon sa buy-bust operation kagabi, July 02, sina Tarazon Ramo, residente ng Barangay Cambajao, Cajidiocan, Romblon at Nathalie Rezano, residente ng Barangay Campalingo, San Fernando, Romblon.

Nabilhan umano si Ramo ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.

Sakto namang nasa bahay kung saan nangyari ang buy-bust ang shota ni Ramo na si Rezano kaya inaresto rin ito ng pulisya.

Nakuha sa dalawa ang ilan pang drug paraphernali na maaring ginagamit sa pag-gamit ng droga.

Nakakulong na ngayon ang dalawa at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Section 5, 11, at 12 ng Article II ng RA 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.