Lalaking kakalaya lang, arestado matapos mabilhan umano ng shabu

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Inaresto matapos mabilhan di umano ng shabu ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4B Team Alpha ang isang fish dealer sa Barangay Alibagon, Cajidiocan, Romblon.

Kasama ng PDEA-4B na nagsagawa ng operasyon pasado alas 4:30 ng hapon kahapon ang mga tauhan ng Romblon PPO/PIB/PDEU at Cajidiocan Municipal Police Station.

Kinilala naman ng PDEA-4B ang suspek na si Angeles Relox Rotoni Jr alyas Jagak, 50-taong gulang.

Nakuha umano ng mga awtoridad sa suspek ang 3-pieces heat seald transparent plastic na may lamang pinaghihinalaang shabu na aabot sa P10,000 ang market value, P1,000 bill.

Ang suspek ay naaresto na rin ng mga tauhan ng Cajidiocan Municiapal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Edwin Bautista nitong nakaraang taon matapos na makuhaan umano ng shabu sa kanyang bahay ng magsagawa ng search warrant operation ang kapulisan.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.