2 pa, naiulat na namatay dahil sa bagyong #NonaPh sa lalawigan ng Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 16 December 2015

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa lalawigan ng Romblon dahil sa paghagupit ni bagyong Nona sa Probinsya, ayon sa Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Isa ang naitala sa bayan ng Banton kung saan tinamaan umano ng lumilipad na yero ang residenteng si Robert Fadriquela, residente ng Barangay Toctoc.

Sa bayan naman ng Corcuera, patay rin ang isang matandang babae na lumilikas sa kanilang bahay sa Barangay Gobon matapos na matumbahan ng puno ng niyog.

Ayon kay Mayor Rachel Bañares ng Corcuera, ang nasawi ay si Carina Fronda, 80 taong gulang.

Sa pangkalahatan, aabot na sa 3 katao ang namatay sa lalawigan dahil sa bagyo.

Ang mga bayan ng Corcuera, Concepcion, at Banton ang mga bayan na higit na nasalanta ni bagyong Nona sa lalawigan ng Romblon.