World War II Memorial Monument and Marker, inilagay sa bayan ng Banton

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nitong April 16, pormal nang binuksan sa publiko ang World War II Memorial Monument and Marker na matatagpuan sa bayan ng Banton sa Romblon.

Ang unveiling ceremony ng nasabing marker ay bahagi ng ika-395 founding anniversary ng nasabing bayan.

Dumalo sa selebrasyon ang ilang pamilya ng mga mandirigma noong panahon ng World War II, mga tauhan ng Local Government Unit, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, mga bisita, at mga barangay opisyal.

Nag-alay rin ng bulaklak ang mga taga-Banton sa pangunguna ni Dating Mayor Joseph Faderanga at 21 gun salute naman ng Banton Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Saturnino Galicia.