Alcantara town receives DOH-Red Orchid Hall of Fame Award

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Tinanggap ng Alcantara, Romblon nitong nakaraang araw ang Red Orchid Hall of Fame Award sa ginanap na seremonya sa Laoag City, Iloconos Norte.

Ang nasabing award ay pinagkakaloob sa isang bayan kapag matinding ipinatutupad sa bayan ang smoke free ordinance at pagkakaroon ng iba't ibang proyekto para maiwasan ang pagamit ng mga sigarilyo.

Ayon kay Doctor Jobin Maestro ng Rural Health Unit ng Alcantara ng makausap ng Romblon News Network nitong Agosto, ginawa na umano nila ang lahat at full force rin umano ang LGU at Barangay para sa paghihigpit ng Smoke-Free Ordinance at pagbibigay ng karagdagang paunawa sa mga tao na bawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ang pagpipili sa mga bibigyan ng Red Orchid Award ng Department of Health ay binabase sa kanilang effort sa pag-implement ng 100% Tabacco-Free Environment.

Tinanggap ang nasabing parangal ni Alcantara Mayor Eddie Lota at Doctor Jobin Maestro.

Samantala, nakatanggap naman rin ng Red Orchid Award ang bayan ng San Agustin at ito ay tinanggap ni Dr. Deo Muleta.