Hustisya para kay Rezin, mailap parin

Written by Romblon News

by Romblon News | Friday, 18 September 2015

Isang buwan na ang nakalilipas ng mangyari ang karumal-dumal na pagpatay kay Rezin Galicha sa loob ng kanyang boarding house sa loob ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, pero tila mailap parin ang hustisya sa kanyang pagkamatay.

Patuloy naman na inaantay ng mga awtoridad na nag iimbestiga sa kasi ang resulta ng Lab Test na isinagawa sa crime scene noong nakaraang buwan.

Patuloy naman na naghahanap ng hustisya ang pamilya ni Rezin sa Alcantara, patunay rito ang mga tarpulin na nagkalat parin sa bayan na may nakasulat na katagang "Justice For Rezin Galicha".

Ang Romblon News ay patuloy na magbabantay sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Rezin. ‪#‎JusticeforRezin‬