Grade 1 Pupil, patay matapos malunod sa Alcantara

Written by Renand Pastor | Romblon News

Photo Courtesy of Vergie MartinezPhoto Courtesy of Vergie Martinez

Isang lalaking grade 1 pupil ang nasawi matapos na malunod sa Sitio Agtingga, Barangay Camili, Alcantara, Romblon kaninang umaga.

Sa natanggap na ulat ng Romblon News Network, pauwi na umano galing paaralan ang estudyanteng kinilalang si Randolph Villanueva ng mangyari ang aksidente.

Dumaan umano sa lugar ang biktima na kung saan may kataasan ang tubig baha, dito na natanggal ang tisinelas ng biktima. Hinabol niya umano ito ngunit napunta siya sa mas malalim na bahagi ng tubig kaya siya nalunod.

Hindi umano namalayan ng mga nakasaksi na nalulunod na pala ang bata.

Ang pagbabaha sa Alcantara ay dulot ng Low Pressure Area na nagpaulan sa buong Romblon kaninang umaga.