Kalsada sa Alcantara, naharangan ng lanslide

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: MDRRMO AlcantaraPhoto Courtesy: MDRRMO Alcantara

Patuloy ang isinasagawang clearing operations ng Local Government Unit ng Alcantara at MDRRMC Alcantara sa mga nagkalat na lupa dulot ng lanslide sa bahagi ng Sitio Taboc, Barangay Poblacion, Alcantara, Romblon.

Gumamit na sila ng loader truck para maialis lang ang mga nagkalat na lupa sa kalsada. 

Halos magdamag rin ang naranasan na pag-uulan sa lugar na maaring naging dahilan ng pagbigay ng lupa.

Ayon kay Nonong Marcelo, MDRRMO, Kalahati lang ng kalsada ang pwede daanan sa lugar sa ngayon kaya pinag-iingat niya ang mga motoristang dumadaan rito.