Ilang Bahay sa Alcantara, magpapalipas ng gabing walang kuryente

Written by Ken Iñaki Tapat | Romblon News
  • Pinterest

Magpapalipas ng gabing walang kuryente ngayong gabi ang ilang bahay sa Alcantara, Romblon matapos na masira ang isang transformer sa lugar.

Ayon sa Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO), may nasirang transformer sa Sitio Tabok sa Poblacion, Alcantara kaya apektado ang ilang bahay na nabibigyan ng serbisyo ng kuryente ng nasabing transformer.

Ilang mga residente ang nagsabing umaga palang umano ay wala ng kuryente sa ilang lugar ng Alcantara at bandang alas-5 na ng hapon bumalik ngunit patay-sindi parin umano.

Bandang alas-6 ng gabi ng mawalang muli ang kuryente dahil umano sa pagkasira ng transformer.

Ayon sa TIELCO, maaring bukas pa nila maayos o mapalitan ang nasabing transformer kaya inaasahang gagamit ng pamaypay ang ilang mga taga-Alcantara ngayong gabi.