Rider na mabilis ang patakbo, patay matapos tumilapon sa cliff

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Dead on Arrival sa isang ospital sa kalapit na bayan ng Alcantara ang isang 27-anyos na lalaki na nasangkot sa aksidente sa bahagi ng National Road, Barangay Madalag, Alcantara, Romblon. Nangyari ang aksidente mag-aalas 4 ng hapon kanina.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station, mabilis umano ang patakbo ng nasawing rider na kinilalang si Albert Medina, 27. Pagdating umano sa may pakurbang bahagi ng kalsada sa National Road, sumalpok ito sa kasalubong na rider na si Andy Mercado, 49.

Sa sobrang bilis ng patakbo umano ni Medina, dumiretso ang motorsiklo kasama ang rider sa isang cliff sa gilid ng kalsada.

Tumama pa umano siya sa puno ng niyog ang motorsiklo ni Medina gayun na rin ang kanyang ulo na dahilan na maaring dahilan ng kanyang pagkamatay.

Dinala muna si Mercado sa Alcantara Municipal Police Station para pansamantalang ikulong habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang aksidente.