Mga sementeryo sa Romblon, hindi pa ganun karaming dumadalaw

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Sitwasyon sa Alcantara Cemetery ngayon October 31, 2016; 2:35PMSitwasyon sa Alcantara Cemetery ngayon October 31, 2016; 2:35PM

Kakaunti parin ang mga taong bumibisita sa mga sementeryo sa buong lalawigan ng Romblon ngayong bisperas ng November 01

Sa Alcantara Cemetery sa bayan ng Alcantara, Romblon, kakaunti rin ang mga taong dumadalaw magmula pa kaninang umaga.

May ilang mga residente namang nasa sementeryo ngayon para parin maglinis at magpinturo sa mga puntod ng kanilang kamag-anak.

Sa Dapawan Public Cemetery naman sa bayan ng Odiongan, kakaunti rin ang mga tao.

Ang iba naman nagbakasali ng pumunta ng sementeryo kaninang umaga para makaiwas sa init ng panahon.

Inaasahang ngayong hapon at bukas ay magsisimula ng dumami ang mga dadalaw sa mga sementeryo.