Apat sugatan sa salpukan ng motorsiklo at jeep sa Alcantara

Written by Eugene Mayor | Romblon News
  • Pinterest

Sugatan ang apat na estudyanteng magbabarkada matapos na maaksidente sa bahagi ng National Road sa Barangay Lawan, Alcantara, Romblon nitong Sabado.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News Network, galing sa road trip sa bayan ng Sta. Maria ang apat na menor-de-edad kasama ang ilan pang barkada ng manyari ang aksidente.

Kwento ng ilang saksi, mabilis umano ang patakbo ng apat mga estudyante at pagdating sa may kurbada sa Barangay Lawan nasalpok nila ang kasalubong na owner type jeep na minamaneho naman ni Rolando Elacio.

Sa lakas ng pagkakasalpok, pumailalim ang motorsiklo na sinasakyan ng apat na estudyante.

Agad naman silang...

Read more: Apat sugatan sa salpukan ng motorsiklo at jeep sa Alcantara

Kotseng nawalan ng kontrol, sinalpok ang isang tindahan

Written by Eugene Mayor | Romblon News
  • Pinterest

Sira ang isang tindahan sa Barangay San Isidro, Alcantara, Romblon matapos na salpukin ng isang kotse nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, nahulog umano ang gulong ng kotse sa gilid ng kalsada matapos na mag overtake sa isang tricycle at kalauna'y nawalan ng kontrol at inararo ang isang street light at ang tindahan.

Ligtas naman ang mga sakay ng kotse at ang driver nito na kinilalang si Alvin Bringas na isang nurse ng Rural Health Unit ng Alcatantara nguinit sinugod padin sa ospital ang mga sakay nito upang tingnan ang kanilang kondisyon.

Ligtas at wala din...

Read more: Kotseng nawalan ng kontrol, sinalpok ang isang tindahan

Bangkang galing Masbate patungong Palawan, dumaong sa Alcantara upang umiwas sa malalakas na alon

Written by Eugene Mayor | Romblon News
  • Pinterest

Magpapalipas muna ng gabi sa Barangay Bonlao sa bayan ng Alcantara ang 10 kataong sakay ng bangka na galing Aroroy, Masbate at patungo sanang Agutaya, Palawan.

Ayon sa driver ng bangka na si Mang Narciso, umalis umano sila ng Masbate magtatanghali kahapon ng umaga ng aabutan umano sila ng malakas na alon sa dagat paglampas ng Sibuyan Island.

Lulan ng bangka ang 10 katao, kabilang ang 4 na lalaki, 3 babae na pawang nasa sapat ng edad at 3 bata.

Ayon kay Mang Narciso, bukas nalang ulit umano sila ng umaga babiyahe patungong Palawan.

Agad din namang pinuntahan ng mga...

Read more: Bangkang galing Masbate patungong Palawan, dumaong sa Alcantara upang umiwas sa malalakas na alon

Mga residente ng Alcantara, nawalan ng supply ng tubig

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Nakararanas ng pagkawala ng supply ng tubig ang mga residente ng bayan ng Alcantara ngayong araw dahil umano sa probema.

Ayon sa Office of the Municipal Engineer ng bayan ng Alcantara, nagkaroon umano ng air lock sa isang bahagi ng pipeline kaya tumigil ang daloy ng tubig sa ilang barangay.

Dagdag pa ng opisina, hindi pa nila sigurado kung anong oras nila maayos ang problema dahil mahaba umano ang pipeline na kanilang titingnan.

Paalala ng Office of the Municipal Engineer, mag-impok na muna ng tubig dahil sa mga susunod na oras ay papatayin na nila pansamantala ang iba pang linya...

Read more: Mga residente ng Alcantara, nawalan ng supply ng tubig