Paggunita ng UNDAS, naging tahimik sa buong Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naging tahimik ang paggunita ng UNDAS sa buong lalawigan ng Romblon ngayong taon 2016.

Kapansin-pansin rin ang pag kunti ng mga taong bumibisita sa mga yumao nilang mahal sa buhay ngayong taon kesa sa mga nakaraang taon.

Sa bayan ng Odiongan, naging tahimik sa tatlong malalaking public cemetery ang November 01. Naka antabay rin sa lugar ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, BFP-Odiongan, at Kabalikat Civicom Odiongan Chapter.

May ilang simbahan ring nag-alay ng libreng padasal sa mga puntod ng mga yumao.

Sa bayan naman ng Alcantara, mag-hahapon na ng Martes dumagsa ang mga tao. Nag-alay ng kandila at bulaklak sa mga puntod at may libreng padasal rin ang ilang simbahan sa lugar.

Sa Banton Island naman, mahigpit na binantayan ng Banton Municipal Police Station ang sementeryo sa lugar upang makaiwas sa iba't ibang krimen kapag November 01 katulad nalang ng pananalisi, at pagnanakaw.