2,500 kababaihan dumalo sa Women’s Month Celebration sa bayan ng Odiongan

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Dinaluhan ng mahigit 2,500 kababaihan ang Women’s Month Celebration at Annual Provincial Convention ng mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI)-Romblon Provincial Federation at Provincial Women’s League of Romblon (PWLR).

Ang pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan ay sinimulan sa pamamagitan ng parada at maikling programa sa covered court ng Odiongan plaza kung saan naging panauhing pandangal ang matataas na opisyal ng lalawigan, mga kinatawan mula sa iba-ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organizations, people’s organizations at iba pa.

Mainit namang tinanggap ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang bayang nasasakupan ang mga kababaihan na nagmula pa sa iba’t ibang munisipyo...

Read more: 2,500 kababaihan dumalo sa Women’s Month Celebration sa bayan ng Odiongan

Anim arestado dahil sa iligal na pagmimina sa Magdiwang

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Images Courtesy of Magdiwang Municipal Police Station.Images Courtesy of Magdiwang Municipal Police Station.

Aabot sa anim katao sa bayan ng Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon ang naaresto ng mga tauhan ng Magdiwang Municipal Police Station dahil sa paglabag sa Republic Act 7942 o mas kilala bilang Philippine Mining Act of 1995.

Ang mga naaresto ay pawang mga residente ng Magdiwang, Romblon kung saan tanging pagmimina lang umano ang hanap buhay. Kasama ring naaresto ng mga kapulisan ang isang menor de edad na 16 taon palamang ang edad.

Lumabas rin sa imbestigasyon ng pulisya na ang isa sa mga nadakip na kinilalang si Agustin Roa Fajarito ay wanted person dahil sa kasong Acts of Lasciviousness...

Read more: Anim arestado dahil sa iligal na pagmimina sa Magdiwang

Mahigit 900 Romblomanon, nabenespiyuhan ng mobile passporting ng DFA

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Mahigit 900 Romblomanon ang nakapagproseso sa mobile passporting services na isinagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) Central Office sa Office of the Governor extension office sa bayan ng Odiongan kamakailan.

Ang aktibidad na ito ay taun-taong pakikipagtuwang ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang magbigay ng serbisyo sa mga nagnanais kumuha at mag-renew ng kanilang pasaporte.

Ito ay naglalayong mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga tao, makatulong sa mga mamamayan na mapadali ang pagkuha ng pasaporte na hindi na kinakailangang magsadya pa sa tanggapan ng DFA, at makatulong din na...

Read more: Mahigit 900 Romblomanon, nabenespiyuhan ng mobile passporting ng DFA

Lalaking nangangatok at nagnanakaw sa mga bahay pag-gabi sa Odiongan; naaresto na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Matapos ang ilang araw na monitoring ng Odiongan Municipal Police Station kasama ang mga barangay officials ng Barangay Canduyong at Budiong sa bayan ng Odiongan, naaresto na nitong tanghali ng Miyerkules, March 22, ang lalaking gumagala umano sa mga nabanggit na Barangay tuwing gabi.

Ayon sa lalaki, siya ay si Joseph Rada, 25 taong gulang at galing pa umanong Barangay Azagra, San Fernando, Romblon.

Tugma ang description sa lalaki ng mga nakakita rito na nakausap ng Romblon News Network nitong Lunes sa Barangay Budiong.

Paliwanag niya, hindi naman talaga umano siya magnanakaw ng mga gamit ngunit inutusan umano siya...

Read more: Lalaking nangangatok at nagnanakaw sa mga bahay pag-gabi sa Odiongan; naaresto na