Mayor Trina scores photo ops with Early Childhood Care and Development Center students

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

mayor trina with eccdmayor trina with eccd

Bumisita kahapon, January 31, sa opisina ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang mga estudyante ng Early Childhood Care and Development Center upang alamin kung ano ang mga trabahong ginagawa ng mga nasa opisina.

Sa post ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, makikita ang mga bata at ang alkalde ng Odiongan na nagpapakuha ng litrato.

Tuwang-tuwa naman ang mga estudyante dahil sa minsan lang sila makapasyal sa labas ng kanilang paaralan.

...

Romblomanon, nagwagi sa isang watercolor na kompetisyon sa UAE

Written by Dennis Evora | Romblon News
  • Pinterest

Si John Paul Faderogao, tubong Concepcion, Romblon ang isa sa dalawang Filipino na nagwagi sa nagdaang watercolor contest sa United Arab Emirates (UAE). Sa impormasyong nakalap ng Romblon News, First Place ang napanalunan ni John Paul sa nasabing kompetisyon. Inorganisa ito ng International Watercolor Society (IWS) na naka base sa Dubai bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo.

Ang pagkapanalo na ito ni John Paul ay lubos na nagbigay ng karangalan sa buong Filipino community sa UAE at nagpahanga sa mga miyembro ng IWS dahil sa pambihirang galing na kanyang pinamalas.

Isang lalaki na may hawak na manok panabong...

Read more: Romblomanon, nagwagi sa isang watercolor na kompetisyon sa UAE

#KwentongNakakatakot: Ang malaking tao sa puno sa Ferrol

Written by Romblon News
  • Pinterest

Ang #KwentongNakakatakot ng Romblon News Network ay bahagi ng pagdiriwang ng panahon ng mga ghost at horror stories. Ang mga kwento sa baba ay base sa mga totoong nangyari sa mga may akda.


 FILE PHOTO. YahooFILE PHOTO. Yahoo

Taong 2014, nagtatrabaho ako sa isang resort sa Ferrol, Romblon bilang isang disk jockey ng mangyari ang isang nakakatakot ko na karanasan.

Matapos ang aming performance, nagkasundo ang grupo na mag night swimming at mag-inuman dahil maganda ang kabilugan ng buwan at maliwanag sa labas ng resort.

Nang panahong iyon, hindi pa ganun karami ang mga turista sa Ferrol at hindi rin ganung kasikat ang lugar...

Read more: #KwentongNakakatakot: Ang malaking tao sa puno sa Ferrol

#KwentongNakakatakot: Ang kasama namin sa boarding house

Written by Romblon News
  • Pinterest

Ang #KwentongNakakatakot ng Romblon News Network ay bahagi ng pagdiriwang ng panahon ng mga ghost at horror stories. Ang mga kwento sa baba ay base sa mga totoong nangyari sa mga may akda.


Katatapos ko lang mag-college sa Romblon State University at nasa Manila ako para mag-review para sa licensure exam ng natapos kong kurso. Mayo ng taong kasalukuyan, tumungo ako sa Manila para maghanap ng apartment na aming tutuluyan. Sinabi ng isa sa mga tita ko na meron siyang alam na mura, kasya ang tatlo, at pwedeng kunin ng hanggang 6-months lang.

Sa unang linggo, komportable naman kami sa...

Read more: #KwentongNakakatakot: Ang kasama namin sa boarding house