Acuña wins First Runner Up at Miss Scuba Philippines 2017

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo: Instagram/pageantbuzzphPhoto: Instagram/pageantbuzzph

Nasungkit ni Ms. Danica Acuña ng Romblon ang First Runner Up-Crown sa katatapos lang na Miss Scuba Philippines 2017 na ginanap sa Resorts World Manila.

Itinanghal naman na Miss Scuba Philippines 2017 si Sherlyn Doloriel ng Misamis Oriental habang 2nd Runner Up si Kristine Eiriel Nolasco ng Manila.

Ang nanalo sa nasabing kompetisyon ay magdadala ng bandila ng Pilipinas sa Miss Scuba International 2017 na gaganapin sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia sa darating na November 18.