6Cyclemind is here and it was worth the wait

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Worth it ang pag-aantay ng mga fans ng bandang 6cyclemind sa kanilang concert sa Odiongan Public Plaza nitong Sabado ng gabi, April 08.

Tinugtog ng banda ang sikat nilang mga kanta katulad ng Prinsesa, Sige at Sandalan, at ilan pang kanta katulad ng Torete.

Enjoy sa rakrakan at tugtugan ang mga nanood kahit karamihan sa kanila ay hindi naka VIP kundi naka general admission lamang.

Ayon sa mga nanood, sobrang saya umano at concert at napasayaw pa umano sila habang ayon naman sa isang netizen, sulit umano ang kanilang pagod kahit umano nakatayo sa buong oras ng concert.

Maliban sa bandang 6cyclemind na binubuo nina nina Tutti Caringal, Rye Sarmiento, Bob Cañamo, Herbert Hernandez, at Vic Aquino, dumating rin ang kilalang bokalista na si Kleggy Abaya.