Malakas pa si Lola Maria sa kanyang 104th Birthday

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Ipinagdiwang ni Maria Mendez Cajilig o mas kilalang Lola Maria sa Barangay Madalag, Alcantara, Romblon ang kanyang ika-104th Birthday nitong Miyerkules, March 15.

Ayon sa kanyang apo na nagpadala ng litrato sa Romblon News Network, nagpapasalamat sila dahl umabot pa sa mahigit 100 ang edad ng kanilang Lola Maria.

Dahil rin umano sa pagmamahal nila at mabuting pag-aalala na kanilang mga apo at kamag-anak kaya humaba ang buhay ni Lola.

Sa kanyang kaarawan, nagawa pa ni Lola na umihip ng kandila sa kanyang handang cake; pahiwatig na malakas pa si Lola at nakakaya pang maglakad.

Isa si Lola Maria sa mga special guest sa gaganaping Gabi ng Senior Citizen sa bayan ng Alcantara ngayong linggo.