PATOK ang SAGING: Saging na may tatlong puso?

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Si Ruvigildo Rubion ng Brgy. Rizal, Odiongan, Romblon may hawak ng tatlong puso ng saging mula sa iisang puno. Photo from Emmanuel EranesSi Ruvigildo Rubion ng Brgy. Rizal, Odiongan, Romblon may hawak ng tatlong puso ng saging mula sa iisang puno. Photo from Emmanuel Eranes

Dahil patok ngayon ang mga usapang saging matapos na mag trending ang 'Wishing Banana' ng Simara dahil sa sobrang haba ng bunga nito, hindi naman magpapahuli ang mga taga-Odiongan.

Nitong 2013, nakunan ng litrato ni Mata ng Bayan (Radyo Natin Odiongan) Anchor Emmanuel Eranes ang isang bunga ng saging na may tatlong puso.

Ang nasabing bunga ay na-harvest ng mag-asawang Ruvigildo Rubion ng Brgy. Rizal, Odiongan, Romblon.

Nitong nakaraang taon rin nakunan rin ng litrato ni Emmanuel Eranes si Governor Eduardo Firmalo na binisita ang mahigit 7ft ring bunga ng saging sa parehong barangay.

Photo by Emmanuel Eranes.Ayon kay Eranes, nadaanan umano ito ng grupo ng Gobernador ng kanilang bisitahin ang lugar kung saan nakalagay ang isang source ng potable water sa nasabing lugar.

Katulad sa saging na nakita sa Corcuera, nilagyan na rin ito ng kawayan para hindi mahulog.