Kalo Festival 2016 highlight sa Fabella Institute 54th Foundation Day

Written by Jhay Fornal | Romblon News
  • Pinterest

Highlight sa ginanap na 54th Foundation Day ng Fabella Institute ang 'Kalo Festival' na kung saan tampok ang iba't ibang desinyo ng mga kalo o sombrero.

Ang concept umano ng Kalo Festival ay para magamit ng mga estudyante ng nasabing paaralan sa San Andres, Romblon ang kanilang talent sa pagdesinyo ng iba't ibang obra ng kalo.

Ang mga estudyante ay nagtanghal sa isang ground demonstation nitong November 29 suot ang kanilang mga obra.

Layunin rin ng paaralan na magkaroon ng bagong concept ng decorative festival sa bayan ng San Andres.

...

Giant Christmas Tree sa Alcantara; pinailawan na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Pinailawan na kagabi ang pinakamalaking christmas tree sa buong lalawigan ng Romblon na matatagpuan sa bayan ng Alcantara sa Tablas Island.

Ang nasabing christmas tree na gawa sa kawayan na niligyan ng display na mga parol at ilang pailaw ay nagmistulang simbolo ng bayan ng pailawan dahil sa laki nito.

May taas ang nasabing christmas tree ng mahigit 90ft, mas mataas kesa sa nakaraang taon na umabot lamang sa halos 86ft; ito ay matatagpuan sa parke ng nasabing bayan. Maari ka ring umakyat sa gilid ng christmas tree at maglakad paikot rito.

Kahit na dinaan ng bagyong Marce nitong Biyernes, itinuloy...

Read more: Giant Christmas Tree sa Alcantara; pinailawan na

Probinsya ng Romblon, tula ni Aangel Grace Emprese

Written by Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of Akeen Tan NavarretePhoto Courtesy of Akeen Tan Navarrete

Bawat lugar may magagandang tanawin
Iba't ibang pagkaing iyong mamahalin
Higit na masisiyahan sa mga taong makakasalamuha
At sa mga experience na tunay na nakakamangha


Mga masasayang karanasan
Sa aming probinsya makakamtan
Walang iba kundi ang Romblon, aking mahal
May mga iba't ibang opisyal na nahalal


Sa kanya kanyang isla at bayan
Mga tanawing siguradong instagramable
Oh Diba? Bongga! May souvenirs pang marble
Sa isla ng Tablas, nandyan ang beach na Binucot


Siguradong tanggal ang stress at pagkabagot
Malamig na tubig nasa Busay Falls sa San Agustin
May Tinagong Dagat sa Calatrava, siguradong di mabibitin
Mga nag gagandahang nilalang sa San Andres


Odiongan nama'y mga pagkain ay da best!
Sanktwaryong relaxing matatagpuan sa...

Read more: Probinsya ng Romblon, tula ni Aangel Grace Emprese

Pulis sa San Andres, nagsauli ng napulot na mahigit P40,000 cash

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of San Andres MPSPhoto Courtesy of San Andres MPS

Hindi lang sa operasyon kontra sa iligal na droga at pagsawata ng krimen ang ginagawa ng mga kapulisan sa Pilipinas.

Sa bayan ng San Andres, Romblon; tinitingala ngayon ang daawang pulis ng mga kapwa nito pulis matapos na magsauli ng aabot sa P42,000 sa isang babaeng nakawala nito.

Ito ay sina SPO1 Rodel Guro at si PO2 Rene Noche ng San Andres Municipal Police Station.

Pasado alas-5 ng madaling araw sa saling-sing road sa bayan ng San Agustin ng madaanan ng dalawa ang isang lalaking naghahanap umano ng nahulog niyang black pouch sa kalsada. Tumigil ang dalawa at tumulong maghanap...

Read more: Pulis sa San Andres, nagsauli ng napulot na mahigit P40,000 cash