Inigo Pascual, Maris Racal and other Kapamilya stars joined Gina Lopez in exploring Sibuyan Island

Written by Romblon News

May bagong kakampi ang kalikasan matapos sumali sa programa ni dating Department of Environment and Natural Resources secretary Gina Lopez ang ilang sikat na kapamilya stars para sa season 2 ng kanyang programang “G Diaries".

Ilan sa mga stars na sumama kay Lopez ay ang loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador, at loveteam nina Maris Racal at Inigo Pascual.

Ang grupo na tinawag na "G Squad" ay inaasahang mag-iikot sa magagandang destinasyon ng bansa kagaya ng Samar, Lobo sa Batangas, Iba sa Zambales, Kinatarcan Island sa Cebu, at siyempre ang Sibuyan Island sa Romblon, ang Galapagos ng Asia.

Kasama rin sa "G Squad" ay sina Sue Ramirez, Gretchen Ho, Loisa Andalio, Kristel Fulgar, Antoinette Taus, Young JV, BoybandPH’s Joao Constancia, Russell Reyes, Niel Murillo, Ford Valencia, at Tristan Ramirez.

“We will do it one community at a time. We will show how each community has done it and show that things can be done. We will show the heroism of the community, the government, and businesses, and what can be achieved when people work together from a space of love,” pahayag sa isang press conference ni Lopez.

“Our great ABS-CBN stars who love our environment and our nation will go around the different parts of the Philippines with me, enjoy themselves, and invite you all to go there. Because if you go there, the locals will be inspired and you will be inspired as well. We will all be inspired together. We will work together in love,” dagdag pa ng dating kalihim.

Mapapanood ang Season 2 ng "G Diaries" sa ABS CBN simula sa February 11.