Maagang pamasko, natanggap ng mga bata sa Progreso Este Elementary School

Written by Lyle Gepe Formilleza | Romblon News

Maaga ang pasko ng mga mag-aaral ng Progreso Este Elementary School matapos maghandog ang grupong 'Itanong Mo Sa Mga Bata' ng isang feeding program na pinangungunahan ni Mr. Joel Carpio, may-ari ng Haliwood Hotel and Restaurant sa Odiongan.

Kasama ni Carpio sina Alden Alag at Dr. Nino Rey Fondevilla, at mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency - Romblon (PDEA-Romblon).

Ayon kay Carpio, mahigit labing-walong taon niyang ginagawa ang kanyang adbokasiya na tumulong at magpakain sa mga bata.

"Ang akin lang naman ay maibahagi ko ang blessings na natatanggap ko dahil naranasan ko din ang naranasan nila (ng mga bata)." Dagdag pa niya.

Mainit namang tinanggap ng mahigit 200 ba batang na surpresa sa pagdating ng grupo ni Carpio. Masaya namang tinanggap ng mga bata ang mga pagkain na inabot sa kanila at kumain nang may ngiti sa kanilang mga labi.