OceanJet 3, biyaheng Odiongan-Batangas sa 2018

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Apat na oras nalang ang biyaheng Batangas hanggang Odiongan sa pagpasok ng 2018 dahil sa nakatakdang pagbiyahe ng barkong OceanJet 3 ng Ocean Fast Ferries Inc. na araw-araw maglalayag ng Batangas-Odiongan-Caticlan.

Ang pagbibigay ng mas mabilis na biyahe patungong Odiongan ay para mas mapagsilbihan umano ang mga Romblomanon.

Ayon sa schedule na nakarating sa Romblon News Network, aalis ang barko sa Batangas ng alas-6 ng umaga at darating ng alas-10 ng umaga; didiretso ito sa Caticlan ng 10:20AM at darating ng 11:50AM.

Babalik naman ito ng Odiongan galing Caticlan ng 12:10PM at aalis patungong Batangas ng 2:00PM.

Inaasahang papatak ng P1,100 hanggang P2,500 ang presyo ng ticket sa nasabing barko dipende sa akomodasyon. Ang OceanJet 3 ay may 332 persons na kapasidad.