Kwento ng Romblomanon, tampok sa MMK sa Sabado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Tampok sa susunod na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN Channel 2 ang isang Romblomanon na nagbahagi ng kanyang kwento sa ginanap na Caravan MMK sa Odiongan nitong nakaraang buwan.

Ang kwento sa susunod na Sabado, ay tampok ang real life story ni Juliet Fajarito, residente ng Barangay Patoo, Odiongan, Romblon.

Base sa inilabas na trailer ng MMK, ang kwento ni Fajarito ay nagsimula ng siya ay ampunin ng isang pamilya hanggang sa ginusto niyang hanapin ang sarili niyang pagkatao.

Panoorin ang Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Sabado, September 30, alas-8 ng gabi.