ONHS Student, grand-slam sa painting/poster making ngayong taon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Itinanghal na Champion sa tatlong magkasunod na taon sa Division Science Festival ang isang estudyante ng Odiongan National High School na si Jamilah B. Perito sa on-the-spot na paggawa ng Painting at Poster.

Si Perito, grade 9 student ng Odiongan National High School, ay unang nagwagi taong 2015 nang ganapin ang nasabing event sa bayan ng Looc, sinundan naman taong 2016 nang magwagi rin siya sa bayan ng San Andres at ngayong taon naman sa bayan ng Alcantara.

Maliban sa mga school events, nagwagi na rin si Perito sa Painting contest na ginanap sa Odiongan noong Town Fiesta at nitong August 25 kung saan nanalo siya sa painting contest ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Odiongan.