UP Singing Ambassadors in Odiongan, Alcantara concert this July

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo by Rejane M. Panolin from the Philippine Star.Photo by Rejane M. Panolin from the Philippine Star.

Bibisita sa dalawang bayan sa Tablas Island sa Romblon ang University of the Philippines Singing Ambassadors (UPSA) para sa magdaos ng konsiyertong pinamagatang "Harana Para Sa Kasimanwa".

Sa araw ng Martes, July 04, nasa Alcantara Public Auditorium sa Alcantara ang grupo at pagdating naman ng Huwebes, July 06, sa Odiongan Public Plaza naman sila sa bayan ng Odiongan.

Magsisimula ang konsiyerto eksaktong alas-7 ng gabi.

Ang nasabing konsiyerto ng University of the Philippines Singing Ambassadors ay bahagi ng kanilang 37th Anniversary Concert Tour.

Maliban sa Romblon, bibista rin sila sa mga lugar ng Sorsogon, Leyte, Surigao, Boho, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Iloilo, at Aklan.