Bagong barko ikokonekta na ang Romblon, Sibuyan, San Agustin, Banton, Marinduque, Lucena

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nagsimula ng maglayag ang barkong M/V Virgen De Penafrancia VII ng Starhorse Shipping Lines sa mga isla ng Romblon, Sibuyan, San Agustin, Banton, Marinduque, Lucena nitong Martes.

Narito ang kanyang full schedule:

Sa halagang P900 Lucena patungong Sibuyan kana, habang P800 lang naman patungong Romblon at San Agustin at P750 naman patungong Banton.

P350 naman galing Cawit, Marinduque patungong Banton, San Agustin at Romblon, P500 naman patungong Sibuyan.

Kung galing Banton naman patungong San Agustin P300 lang, habang P350 patungong Romblon, at P400 patungong Sibuyan.

Ma rerelax ka rin sa biyahe dahil bagong bago ang barko gayun na rin sa mga amenities nito katulad ng mga bagong upuan, tatlong malalaking LED TV sa harapan, mini bar at restaurant.