Stage para sa Search for Miss Cajidiocan 2016, pang 'national' level

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of Cajidiocan SB member Marvin RamosPhoto Courtesy of Cajidiocan SB member Marvin Ramos

Pang 'national' level ang stage setup ng stage na pangyayarihan ng Search for Miss Cajidiocan 2016 at Search for Miss Sibuyan 2016 sa bayan ng Cajidiocan ngayong araw, at bukas.

Sa facebook post ni Sanguniang bayan member Marvin Greggy Ramos, makikita ang iba't ibang anggulo ng stage.

Meron itong mala-globe na desinyo, kulang dilaw na arko, at stairs patungo sa backstage.

Naka-setup ang nasabing stage sa katatapos lang na renovate na Cajidiocan Covered Court sa nasabing bayan.

Isang patunay umano ito na pwedeng ipagmalaki ang mga gawa ng mga taga-Cajidiocan at ng mga Romblomanon.