Filter

Vice President Binay to visit Odiongan on Tuesday

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Inaasahang darating sa Romblon si Vice President Jejomar Binay na tumatakbo rin na pagka-presidente para sa Election 2016.

Ayon sa nakuhaang impormasyon ng Romblon News Network, magkakaroon ng motorcade si VP Binay sa bayan ng Odiongan at susundan ito ng isang programa sa Odiongan Public Plaza at makikipag-tanghalian sa mga leaders ng bayan.

Maliban sa Odiongan, bibisitahin rin ni VP Binay ang bayan ng Romblon sa Romblon Island at San Ferandno sa Sibuyan Island, Romblon pagdating ng hapon.

 

...

5-hours brownout in Ferrol on Wednesday – TIELCO

Written by Paolo Mendoza | Romblon News

Pansamantalang makakaranas ng brownout ang mga barangay sa bayan ng Ferrol sa darating na Miyerkules, February 17, dahil sa isasagawang pagsasaayos sa mga distribution lines ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO sa Barangay Tubigon.

Magsisimula ang brownout 9:30 ng umaga at magtatapos pagdating ng alas-dos (2:00) ng hapon.

Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng TIELCO sa mga maapektuhang subscriber sa lugar.

...

TIELCO: San Agustin town except Bachawan to experience brownout on Satuday

Written by Paolo Mendoza | Romblon News

Isang oras at kalahating makakaranas ng brownout ang mga barangay sa bayan ng San Agustin maliban sa Barangay Bachawan ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative o TIELCO.

Ang nasabing power interruption ay dahil umano sa isasagawang pagsasaayos ng ilang linya sa Barangay Cabulotan upang higit umanong maisaayos ang serbisyo ng TIELCO.

Magsisimula ang brownout 9:30 ng umaga at magtatapos ng 11:00 ng umaga.

 

...

Brgy. Long-beach, Sugod, at Cawayan sa San Agustin, makakaranas ng rotating brownout hanggang February 28

Written by Paolo Mendoza | Romblon News

Inanunsyo ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO na makakaranas ng rotating brownout ang mga bahay na may linya ng kuryente sa Barangay Long-beach, Sugod, at Cawayan sa San Agustin simula February 11 hanggang 28.

Ayon sa TIELCO, dahil ito sa gagawing pagsasaayos sa mga distribution lines ng TIELCO Construction Team sa nasabing lugar.

Makakaranas ng brownout mula 8:30 ng umaga at magtatapos hanggang alas-4 ng hapon.

...

Local PUJ Operators sa Tablas, tanggap ang pagpasok ng Dimple Star Transport

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Tanggap na umano ng mga local Public Utility Jeep Operators ang pagpasok ng Dimple Star Transport sa Transport Industry sa Tablas Island, Romblon ayon sa Chairman ng Committee on Transportation and Communication ng Romblon na si Sanguniang Panlalawigan Member Felix Ylagan.

Sa isinagawang consultative meeting kanina na dinaluhan ng mga representatives ng Land Transportation Office, Local PUJ Operators, at Dimple Star Transport sa ONA Hall sa Romblon Provincial Hospital, napagkasunduan na point to point o terminal to terminal lamang pwedeng bumaba at sumakay ang mga pasahero ng Dimple Star Busses.

Halimbawa nalang kung patungo kang Barangay Anahao sa Odiongan at biyaheng...