Filter

30 minutes brownout mararanasan sa ilang bahagi ng Looc sa Lunes

Written by Paolo Mendoza | Romblon News

Ipinababatid ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO na makakaranas ng 30 minutes na brownout ang ilang bahagi ng bayan ng Looc ngayong Lunes, January 25.

Ang mga nasabing lugar ay simula Elementary School, Municipal Hall, National High School hanggang Sitio Gowa, Barangay Limon Sur/Norte.

Magsisimula ang brownout 9:30 ng umaga at magtatapos ng 10:00 ng umaga.

Ang Barangy Buenavista naman at Balatucan ay mawawalan rin ng kuryente sa parehong araw at magsisimula ito ala-una ng hapon (1:00pm) hangganag alas dos kinse ng hapon (2:15pm).

Ang nasabing power interuption ay dahil sa paglalagay ng single phase line...

Dalawang beses na brownout, asahan sa Odiongan ngayong araw

Written by Paolo Mendoza | Romblon News

Halos 40 minutes na brownout ang mararanasan ngayong araw sa buong bayan ng Odiongan dahil sa isasagawang transfer galing sa planta ng National Power Corporation patungo sa planta ng Sunwest Water and Electric Co. (SUWECO).

Sa inilabas na advisory ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) kagabi, sinabi nilang makakaranas ng 20 minutes brownout bandang  7-9 ng umaga at isa pang 20 minutes na brownout pasado 2-4 ng hapon.

Nilinaw rin nilang hindi maapektuhan ng brownout ang iba pang bayan.

Ang isasagawang load transfer ay bahagi umano ng isasagawang maintenance ng National Power Corporation.

...