Filter

Tropical Cyclone Warning Signal ng Romblon, binaba na sa #1

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Binaba na sa TCWS #1 ang storm warning signal ng probinsya ng Romblon sa base sa pinaka-latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang bagyong #MarcePH sa layong 55 km Southwest ng Coron, Palawan. May lakas parin itong 65 kph at may bugsong 100 kph.

Tumatakbo ito ng 22 kph West Northwest.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal #2 sa mga lugar ng Calamian group of Islands, Cuyo Island, Southern Occidental Mindoro at Southern Oriental Mindoro.

Tropical Cyclone Warning Signal #1 naman sa natitirang bahagi ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, Northern Palawan, Romblon, Aklan, at Antique.

...

#MarcePH nasa tropical storm category na, signal #2 nakataas sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nasa tropical storm category na ang bagyong #MarcePH habang kumikilos ito patungo ng Panay Island, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang bagyong #MarcePH sa layong 85 km silangan timog-silangan ng Roxas City, Capiz kaninang 4:00 am.

May lakas ang nasabing bagyo na 65kph malapit sa gitna at may bugsong aabot sa 110 kph.

Nakataas na ang storm signal number 2 sa mga lugar ng Romblon, Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Northern Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan at Northern Antique.

Signal number 1 naman sa Northern Palawan kasama ang Cuyo Island, Rest of...

Tropical Cyclone Warning Signal #1, itinaas sa Romblon dahil sa bagyong #MarcePH

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa lalawigan ng Romblon dahil sa bagyong #MarcePH.

Sa weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong alas-8 ng umaga, inaasahang bukas ngayong araw maglalandfall ang bagyo mamayang hapon o gabi sa Surigao.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 175km East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lakass itong 45kph malapit sa gitna at may bugsong 55kph.

Tumatakbo ito west northwest sa bilis na 15 kph.

Maliban sa Romblon, nakataas rin ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa mga lugar ng Cuyo Island, Leyte, Southern Leyte, Bohol,...