Bagyong Falcon, pumasok na ng PAR

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 07 July 2015

Ganap na ngang pumasok ang bagyong Falcon na may international name na Chan-Hom sa Philippine Area of Responsiblity pasado alas-9 ngayong gabi.

Ayon sa PAGASA, west-northwest ang galaw ng bagyong Falcon sa bilis na 20 kph, taglay ang lakas ng hangin na 130kph malapit sa gitna.

Ang nasabing bagyo ay magpapalakas ng hanging Habagat na makakaapekto sa buong Luzon, at Visayas ngayong Linggo.