400 food packs mula DSWD-4B tinanggap ng LGU-Concepcion sa Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 06 July 2015

Tumanggap ng 400 Food Packs kamakailan ang pamahalaang bayan ng Concepcion, Romblon mula sa tanggapan ng DSWD MIMAROPA Regional Office bilang pondong pagkain ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Lemuel F. Cipriano, ang bawat DSWD food pack ay naglalaman ng anim na kilong bigas, anim na pirasong noodles, apat na pirasong corned beef at apat na de-latang sardinas.

Ito aniya ay ipamamahagi rin sa mga taong magtatrabaho sa pagsasaayos ng disaster preparedness projects ng naturang bayan bilang kapalit sa kanilang serbisyo.

Pinasasalamatan ni Mayor Ciprisano ang tanggapan ni DSWD Regional Director Vilma Naviamos at DSWD Oriental Mindoro sa paghatid ng naturang tulong sa kanilang bayan.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na umano ito ng Local Government Unit ng Concepcion sa ilalim ng pangangalaga ng tanggapan ni Municipal Social Welfare and Development Officer Grace F. Fabella upang mailagay ng maayos sa pag-iimbakan nito.