Direksyon ng pagbabago

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

Noong Mayo sa aking taunang pagbakasyon sa Odiongan ay may isang kaibigan na nagtanong, sabi nya, "Pare, ano masasabi mo sa bayan ng Odiongan?" Ang sagot ko ay, obvious naman kako na may mga pagbabago, tulad ng ibang mga infrastructure, may mga bagong establishments, marami na mga hotel, dumami ang mga tao at mga sasakyan. Kaso nga lang, parang napakasikip. 

Palibhasa siguro, nasanay na ako sa isang maluwag na syudad ng Doha na malapad ang mga kalsada kung kaya't parang ako'y naninibago. Sabagay, totoo naman na talagang makikitid ang mga kalsada at masikip ang mga right of way sa mga commercial at residential buildings. 

Nasabi ko nga, sana may Master Plan na ang Odiongan at least 20 years ago, siguro naplano ng maayos ang development ng bayan. 


Kamakailan lamang ay naibalita dito sa RomblonNews at maging sa GMA7 ang pagkahuli ng dalawang tulak diumano ng shabu sa bayan ng Odiongan. Maliban dito ay marami-rami rin akong nabalitaan na mga nahuli sa parehong kaso. 

Paanong nakaka operate itong mga tulak na'to gayong napakaliit ng Odiongan kung tutuusin? Sa dami na ng mga nahuling tulak, bakit tila puro tulak lang na sabi nga nila small time ang nahuhuli, bakit tila baga hindi lumalalim ang imbistigasyon tungo sa tinatawag nga nila na big fish? Or malamang hindi lang naibabalita? 

Alam nating lahat ng numero-uno ang droga na kalaban ng mga kabataan maging ng mga may edad na rin. Kayang-kaya nitong wasakin ang buhay ng isang tao, wala itong pinipili babae man o lalake. Kung kaya't isa itong maituturing na pangunahing problema na dapat aksyonan ng mga kinauukulan hindi lang sa bayan ng Odiongan kundi sa buong lalawigan. 


Halos kakambal ng droga sa addiction ng mga kabataan ay ang mga computer games tulad ng dota. Well, alam ko may ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Odiongan na pinapatupad ukol sa operasyon ng mga computer shop at internet cafe na may mga computer or online games lalong lalo ung mga malalapit sa mga paaralan. 

Ang tanong, naipapatupad ba ito ng maayos? Bakit marami pa ring mga kabataan ang tila lulong sa mga larong ito na nagiging sagabal sa kanilang pag-aaral? Ano kaya kung ma amyendahan ang ordinansa at gawing total banning ng any computer or online games sa mga computer shops or internet cafe?

Ayusin natin ang direksiyon ng pagbabago...