#WalangPasok: November 21-22 in Odiongan for MIMAROPA Festival

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
|

#WalangPasok sa bayan ng Odiongan, Romblon sa darating na November 21 hanggang 22 para bigyan ng daan ang opening day ng MIMAROPA Festival 2017 na gaganapin sa bayan.

Ayon sa text message ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan ang walang pasok.

Inaasahang dadaluhan ng mahigit 5,000 bisita ang festival galing sa mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, at Palawan.

Magtatagal ang MIMAROPA Festival 2017 hanggang 25 ng Nobyembre.