Mga Bangko, handa sa pagdagsa ng mga tao sa MIMAROPA Festival

Written by Lyle Gepe Formilleza | Romblon News
|

Handa para sa pagdagsa ng mga bisita sa darating na MIMAROPA Festival ang iba't ibang bangko sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Sa isang maiksing panayam kay Governor Eduardo Firmalo nitong Huwebes patungkol sa mga paghahanda sa paparating na MIMAROPA Festival 2017, isa ang kahandaan sa mga automated teller machines ng mga bangko sa ang kanilang binabantayan.

Ayon kay Governor Firmalo, tinawagan niya ang isa sa mga manager ng kilalang bangko sa Odiongan at sinabi sa kanya na handa na ang lahat ng bangko at sinisigurado nilang hindi mauubusan ng lamang pera ang lahat ng automated teller machines.

Sa darating na November 20 hanggang 25 ay inaasahang dadagsain ang Odiongan, Romblon ng mga bisita galing sa iba't ibang probinsya dahil sa gaganaping MIMAROPA FESTIVAL 2017.