Mayor Fabic lead the inspection of MIMAROPA Festival Parade's Route

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nagsagawa kaninang hapon ng dry run ng pag mando ng trapiko ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, PNP-Highway Patrol Group at OTRU sa mga lugar na dadaanan ng parada sa darating na MIMAROPA Festival sa Odiongan.

Kasama nila na nag-ikot ang mga opisyal ng Odiongan Local Government sa pangunguna ninan Mayor Trina Firmalo-Fabic at Vice Mayor Mark Anthony Reyes.

Ininspeksyon rin ng grupo ng alkalde ang lahat ng dadaanan ng parada kagaya at pinagagawan ng solusyon ang lahat ng problemang kanilang nakita katulad nalang ng mga basurang nagkalat pa sa lansangan, mga kanal na hindi pa natatakpan, at ilang mga pasaway na tindahan na umabot na sa sidewalk ang mga display.

Inaasahang aabot sa mahigit 5000 katao ang dadalo sa nasabing festival na gaganapin sa Odiongan sa susunod na Linggo.

Ang mga nasabing bisita ay manggagaling pa ng mga probinsya ng Marinduque, Mindoro at Palawan.