Japan's leading brand in ice making machine now available at Calatrava, Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Operational na sa Calatrava, Romblon ang kauna-unahang automated ice plate machine sa bansa na gawa ng ICEMAN Corporation, number one sa mga kompanya na gumagawa ng nasabing makina.

Ang Iplay Marketing Inc. na matatagpuan sa Barangay Poblacion, Calatrava, Romblon ang nag-iisang distributor ng ice plate machine ng Iceman Corporation sa buong bansa at sa bayan ng Calatrava nila ito unang sinubukan.

Ayon sa pamunuan ng Iplay Marketing Inc., maaring makagawa ng ice plates o yelo na magagamit sa pagpreserve ng mga tanim at ng mga isda ang kanilang machine at aabot umano sa 3 tons per day ang kanilang pwedeng gawin.

Ibinebenta ito ng Iplay Marketing Inc. sa mga consumers sa halagang P5 lamang kada kilo.

BIlang nag-iisang distributor rin ng automated ice plate machine ng Iceman Corp. sa bansa, ibinibenta rin ng Iplay Marketing Inc. ang kanilang machine sa mga gustong magtayo ng sariling ice plantation.

Para sa may mga katanungan, maaring kontakin ang Iplay Marketing Inc sa kanilang mobile number na +639277378765.